Top Menu

Content on this page requires a newer version of Adobe Flash Player.

Get Adobe Flash player

   
  Testimonials from Ms.Maritoni Fernandez  
     
   
   
 

Ako si Maritoni Fernandez, nalaman ko na may cancer ako nung taong 2001, Nasa Amerika kami ng aking ina dahil sa kanyang sakit ngunit sa kasamaang palad ako pala ang may malubha nang karamdaman. Tapos, nalaman ko na stage 2 na pala yung cancer ko.  Siyempre, nung natuklasan ko na may cancer ako, kailangang magpachemotherapy, magparadiation -- lahat iyon, ginawa ko.  At ang isa sa matinding epekto ng chemotherapy ay ang pagbagsak ng immunity sa katawan mo, kung kaya't madali ka talagang madapuan ng mga sakit. Doon ko nadiskubre yung Barley.  Nag-research ako sa internet.  Doon ko nakita at nabasa na mayroon palang produkto na tinatawag na Barley (Young Barley Grass) na natural na nakapagbabalik ng lakas at immunity sa katawan, at nagdesisyon akong magpabili nito sa Amerika, pagkatapos ay sinubukan ko.

Yung recovery period ko noong unang chemotherapy ay tumagal ng dalawamput-isang araw, at sa sobrang epektibo ng produktong Barley ay naging apat na araw na lang noong pangalawang chemo ko na.  At sa sobrang bilib ko sa produktong Barley nanaliksik ako ng nanaliksik hanggang sa araw-araw ko na itong sinubukan.  Sabi ng mga doktor ko, hindi na daw ako magkakaanak ulit pagkatapos ko sumailalim sa chemotherapy dahil nga sa sobrang toxic ng mga drugs ng chemo, masisira na daw yung ovaries ko, di na daw ako magkakaanak ulit pero dahil sa paggamit ko ng Barley araw-araw at pagkatapos ng tatlong taong nakalipas, bumalik ang menstrual cycle ko, at lahat ng sinabi ng doktor ko na imposibleng mangyari, nabaligtad ng Barley, naayos ang sistema ko at nagkaanak ako ulit. At ngayon nga'y biniyayaan ulit ako ng isang supling na lalaki.

Araw-araw hindi ako umiinom ng bitamina hindi ako nag ma-maintenance, wala akong iniinom o ginagamit na galing sa mga doktor kundi Barley lang talaga ang pinagkakatiwalaan at ginagamit ko araw-araw. Siyempre, kahit naman papaano tao lang din naman ako.  Hindi ko maaring sabihin na hindi ako nagkakasakit pero kung sakaling magkasakit man ako, tinataasan ko yung dose ng Barley at nakokontra naman kaagad.  Pag masama naman ang pakiramdam ko, dinodoble ko yung tini-take kong Barley dose at kinabukasan maayos na at maginhawa na ang pakiramdam ko.  Hindi ako nag a-antibiotic, hindi ako gumagamit ng mga gamot na binibigay o nirereseta sa akin ng doktor kundi Barley lang talaga.  Maasahan na at Epektibo pa.

 
     
Copyright © Herb-All Organic Barley 2013